Lyrics

Aking pamilya, nagsisik-sikan Sa parisukat na papag, aming tahanan Mga balat nagkiskisan, makahabol manlang ng konting idlip Para sa bukas na kami ay magsisikap Kahit mahirap, basta may sipag Saktong pantawid hindi humilab mga tiyang kumakalam Nakakawala ng diwa Ang syudad na may kuko Kuma-kaskas sa tulad naming lagi nang naka-yuko Pero, kahit ganun paman ginagapang parin namin ito Kahit na napapako kami sa krus ng mga pangako Yung tatay kong nagkamali, pilit na nag babago Ang penitensya, nagpapadyak kahit sunog na ang batok Hindi magara ang suot, hindi mabango Pero lima kaming napapakin nya sa kakarampot Mumunting kakanin, di manlang namin matikman Agad na sisingilin, pagka't rekado nito ay utang Si ate at si kuya ay tumigil mag laro Kapalit ng barya ang katawan nilalaro Sa umaga uuwi, nakangiti "ito may kita" Kala nila na hindi ko pansin, mga luha at mga pasa Si nanay problemado, di madaan sa paglaba Mas mahal pa ang sabon ng amo, kesa sa kanya Sugatan na mga palad, namumula sa hapdi Inang walang katulad, pinalit lamang sa washing machine Kahit ganun pa man ginagapang parin namin ito Kahit ganun pa man ginagapang parin namin ito Parisukat na papag oh aming tahanan Kahit ganun pa man ginagapang parin namin ito Isang gabing tahimik, tila ba himala Lahat kami ay nasa bahay, salo-salo sa hapunan Minsan lang mangyari 'to, mahimbang ba ang tulog ko Mga ngiting hindi pag-papalit sa kahit na ano Mga pulis na naka-maskara Pumasok sa aming tahanan at kami ay tinutukan Pinaluhod at binantaan na papatayin Kapag kami ay nag ingay, o pag kami'y hindi umamin Pangalan ng tatay ko'y binanggit sabay tanong Adik ka ba? (Hindi) Adik ka ba? (Hindi) Adik ka nga! (Wag po!) Pilit nilang paratang Sa tatay kong pagod pumapadyak na lamang Para kami ay itaguyod kahit na gumagapang Sunog ang batok sa maghapon, iyon ba'y kasalanan? Mali na ba na humiling ng aming kalayaan Sa araw-araw na pagkakulong sa kahirapan? Tila ba bumagal ang lahat Pinapanood ko si itay na dahan dahang bumagsak At pag-lapag, pula ang ala-alang pininta Nang kanyang dugo sa parisukat na papag, aming tahanan Sabi ng pulis, linis nyo yan Agad siyang umalis Mga matang nakatitig lang sa numero Mga matang hindi kami tinuring bilang tao Pula parin ang papag kung saan siya namatay Pulang mantsa na alala ng aking itay
Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out