Music Video

Featured In

Credits

PERFORMING ARTISTS
Gloc-9
Gloc-9
Lead Vocals
Aristotle Pollisco
Aristotle Pollisco
Lead Vocals
COMPOSITION & LYRICS
Aristotle Pollisco
Aristotle Pollisco
Songwriter

Lyrics

Biyernes ng umaga Paggising ko, pasok sa 'skwela Nalilito, may exam ngayon Napipikon, 'di ko malaman kung sa'n ako lilingon Para makakuha ng sagot Kapag bumagsak, ako'y malalagot Kay ermat, erpat, sipa, tadyak Ilabas ang kodigo, baka makalusot Sa teacher kong apat ang mata Nakasalaming kasingkapal ng tabla Palakad-lakad, lapad-lapad Buti na lamang, ako nama'y nakapasa Kung hindi, mapipilitan na naman akong ulitin Ang lahat ng mga pangyayari Katulad nang minsan, ako ay nagbiyahe At nakilala 'tong malupit na babae Sa may QC, pangalan ay Debbie Nag-aabang s'ya ng taxi Tinitigan ko s'ya nang mata sa mata Sinabi kong "You look lonely Do you wanna go somewhere?", plak Nagkabituin ang aking paningin Bumakat ang kanyang kamay sa 'king mukha Pagkatapos akong sampalin Pero ngumiti s'ya May kinuha sa bag at sinabing pwede ko daw ba s'yang matawagan Kaya binigay n'yang kanyang calling card sa 'kin Na animo'y parang humahalik sa hangin Kaso lang, napagkamalan kong calling card n'ya na ticket ng bus Naitapon kong kasama ng isang baso ng juice Sinubukan kong hanapin sa may stop ng Sta. Cruz At baka sakali na ang landas namin ay magkrus Kaya pumasok ako sa isang eskinita At tinanong ang kauna-unahan na nakita Dahil baka sakaling kanyang nakikilala Ang babaeng animo sa 'kin ay isang diwata "Manong, nakikilala n'yo pa ba, sino ba 'yon? Ano nga ba'ng pangalan n'ya, teka, Girlie ba 'yon?" "Oo, kanina pa naghihintay sa 'yo doon Lapitan mo, hayun, nakaupo sa may balon" Eto ba s'ya? Bakit parang hindi yata ito? Maganda s'ya kaya sige, napasubo ako Teka lang, teka muna, ako'y litong-lito Nangyayari lang 'to sa mga guniguni ko Na para bang nagmamaneho ng isang bagong-bagong auto Marami nang pera, nanalo pa sa lotto Walang kumakalaban at lahat bumibilib Hindi naghihintay, hindi naiinip Teka lang, mabalik tayo sa kabilang kuwento ko Habang naglalakad ay nakasalubong ako Ng hiphop na metal, punkistang bungal Natapilok kaya na-shoot sa kanal Tinulungan ko, kawawa naman kasi 'Di na n'ya makita, limang pisong pambili Ng suka na gagamitin ng kanyang Inay Para may sawsawan ang kanyang masibang Itay "Salamat, ha, ang bait mo pala" Pagdating sa kanila, ako'y agad ipinakilala Sa kapatid na si Girlie at sa pinsang si Debbie Gulong-gulo at ako ay hindi mapakali Para bang ang lahat ng mata'y sa 'kin nakatingin At hindi ko malaman kung ano ang aking gagawin Kasi ba naman, parang walang malabong nangyari Sa 'min nitong mga kaharap kong panalong babae
Writer(s): Aristotle Pollisco Lyrics powered by www.musixmatch.com
Get up to 2 months free of Apple Music
instagramSharePathic_arrow_out