Featured In

Credits

PERFORMING ARTISTS
Cooky Chua
Cooky Chua
Lead Vocals
Gloc-9
Gloc-9
Lead Vocals
Aristotle Pollisco
Aristotle Pollisco
Rap
COMPOSITION & LYRICS
Gloc-9
Gloc-9
Songwriter
Aristotle Pollisco
Aristotle Pollisco
Songwriter

Lyrics

Bakit hinahanap ka? (Bakit kaya?) Bakit tinatawag ang 'yong pangalan? Bakit hinahanap ka? (Bakit kaya?) Bakit tinatawag ang 'yong pangalan? Nang una kitang makita sa may Ermita Hindi ko na namalayan kung bakit na para bang ako'y naakit Nang ika'y lumapit, tinanong ko ang 'yong pangalan at ang 'yong telepono Pero sabi mo, 'di mo kinakausap ang mga katulad ko Walang pera, walang kotse, 'di doble-doble ang cell Pero teka muna, miss, 'wag kang mabilis lumakad, 'di naman ako manyakis At walang labis, walang kulang ang sinukli ko sa 'yo Balot! Eto pa, sige, dalhin mo na lang sa inyo Kahit na wala akong kitain, walang makain Basta't alam mo lang kung ga'no kahalaga sa akin Nang ikaw ay mapaglingkuran (paglingkuran) at mapagsilbihan (pagsilbihan) 'Pagpatawad mo sana, ako man ay naguguluhan Bakit hinahanap ka? (Bakit kaya?) Bakit tinatawag ang 'yong pangalan? Bakit hinahanap ka? (Bakit kaya?) Bakit tinatawag ang 'yong pangalan? Sa loob ng aking kuwarto, sa loob ng banyo Kung alam mo lamang ang dami ng mga litrato, kinunan ko sa may kanto Ipinakuwadro ko pa nang sa gano'n ay lagi tayong magkasama Araw man o gabi, kahit sandali, sa hirap man o ginhawa Ikaw at ako magpakailanman na para bang mga palabas sa sine Alam mo na para bang imposible pero pwede ka bang mailibre Sa kanto ng lugaw, palamig, siomai o siopao? Baka pwede, 'wag kang masyadong matakaw? Sige na nga, pero pwede bang dumalaw? Pagmamahal ko sana ay tanggapin mo Pero kung itataboy mo ay ikamamatay, ikamamatay ko Bakit hinahanap ka? (Bakit kaya?) Bakit tinatawag ang 'yong pangalan? Siguro naman ngayon ay alam mo na kung ga'no kawagas ang aking pag-ibig Simula sa laman hanggang sa litid, kailaliman ay sinisisid Pero bakit ginamit? Puro luha at pasakit Makalipas ang mahabang panahon, ang aking pagmamahal ay napilitan ng galit Nang nakita kita na may kasamang iba May dala-dala pa naman akong regalo, matagal kong pinag-ipunan, kinuha sa alkansiya Naglalakad habang lumuluha, tinititigan ang lupa Sinungaling ang mga baraha na tinanong, hindi naman natupad ang kanilang mga hula Wala nang dahilan para mabuhay, naging abo, wala nang kulay Akala ko no'ng una, tayo nang dalawa, ilang taon din naman akong naghintay Paalam na, aking mahal, ako ay 'di na magtatagal At tanging ang 'yong pagbalik ang siyang aking ipagdarasal ('pagdarasal, 'pagdarasal) Bakit hinahanap ka? (Bakit kaya?) Bakit tinatawag ang 'yong pangalan? Bakit hinahanap ka? (Bakit kaya?) Bakit tinatawag ang 'yong pangalan? Bakit hinahanap ka? (Bakit kaya?) Bakit tinatawag ang 'yong pangalan? Bakit hinahanap ka?
Writer(s): Aristotle Pollisco, Michael Joseph Villegas Lyrics powered by www.musixmatch.com
Get up to 2 months free of Apple Music
instagramSharePathic_arrow_out