Lyrics

Kahit sa patalim kumapit, isang tuka, isang kahig Ang mga kamay na may bahid ng galit Kasama sa buhay na minana, isang maling akala Na ang taliwas, kung minsan ay tama Ang hari ng Tondo, hari ng Tondo Baka mabansagan ka na hari ng Tondo Hari ng Tondo, hari ng Tondo Baka mabansagan ka na hari ng Tondo May gatas ka pa sa labi Gusto nang maghari dito sa Tondo? Minsan, sa isang lugar sa Maynila Maraming nangyayari, ngunit takot ang dilang Sabihin ang lahat, animo'y kagat-kagat Kahit itago'y 'di mo pwedeng pigilin ang alamat na umusbong Kahit na madami ang ulupong At halos hindi iba ang laya sa pagkakulong Sa kamay ng iilan, umaabusong kikilan Ang lahat ng pumalag, walang tanong ay kitilan ng buhay Hukay, luha'y magpapatunay Na kahit hindi makulay, kailangang magbigay-pugay Sa kung sino ang lamang, mga bitukang halang At kung wala kang alam ay yumuko ka na lang Hanggang sa may nagpasiya na sumalungat sa agos Wasakin ang mga kadena na s'yang gumagapos Sa kuwento na mas astig pa sa bagong tahi ng lonta Sabay-sabay nating hawiin ang tabing na tolda Kahit sa patalim kumapit, isang tuka, isang kahig Ang mga kamay na may bahid ng galit Kasama sa buhay na minana, isang maling akala Na ang taliwas, kung minsan ay tama Ang hari ng Tondo, hari ng Tondo Baka mabansagan ka na hari ng Tondo Hari ng Tondo, hari ng Tondo Baka mabansagan ka na hari ng Tondo Sino ang may sabi sa inyong pumasok kayo sa teritoryo ko? Amin ang lupang ito Hindi, kay Asiong! Nilusong ang kanal na sa pangalan n'ya'y tumawag Alang-alang sa iba, 'tsaka na muna ang paawat Sa maling nagagawa na tila nagiging tama Ang tunay na may kailangan ang s'yang pinatatamasa Lahat sila'y takot, nakakapaso ang 'yong galit Mga bakal na may nagbabagang tinggang papalit-palit Sa hangin na masangsang, nakakapanghina ang nana At hindi mo matanggal na para bang sima ng panang nakakulawit Subalit sa kabila ng lahat Ay ang halimuyak lamang ng nag-iisang bulaklak Ang s'yang tanging naghahatid sa kanya sa katinuan At hindi ipagpapalit sa kahit na sino man Ngunit nang dumating ang araw na gusto na n'yang talikuran Ay huli na ang lahat, at sa kamay ng kaibigan Ipinasok ang tingga, tumulo ang dugo sa lonta Ngayon, alam n'yo na ang kuwento ni Asiong Salonga Kahit sa patalim kumapit, isang tuka, isang kahig Ang mga kamay na may bahid ng galit Kasama sa buhay na minana, isang maling akala Na ang taliwas, kung minsan ay tama Ang hari ng Tondo, hari ng Tondo Baka mabansagan ka na hari ng Tondo Hari ng Tondo, hari ng Tondo Baka mabansagan ka na hari ng Tondo
Lyrics powered by www.musixmatch.com
Get up to 2 months free of Apple Music
instagramSharePathic_arrow_out